Pag-ibig nga ba?

Pag-ibig nga ba?
isang tula ni: Leonard Andrew Villanueva


Pag-ibig nga ba
Ang aking nadama?
Noong tayo’y magkasama pa.
Noong nasisilayan pa kita.

Pag-ibig nga ba
Na sa tuwing napapa-awit ka
Puso ko’y napupuno ng kakaibang tuwa
Tuwang sa’yo ko palang nadama?

Pag-ibig nga ba
Nang ako’y nabighani sa angkin mong ganda?
Sa nangungusap mong mga mata
At kutis mo na kay ganda.

Pag-ibig nga ba
Na sa paglipas ng ilang taon,
Tila’y ika’y linta
Na nakakapit sa aking ala-ala?

Ako ay umaasa
Na ika’y muling makita
Nang tuluyan ko nang mabatid 
Kung inibig nga ba kita.

Comments

Popular posts from this blog

Breviary Challenge 2018

Skype Classic is BACK. For now.