Posts

Showing posts from February, 2018

Pag-ibig nga ba?

Pag-ibig nga ba? isang tula ni: Leonard Andrew Villanueva Pag-ibig nga ba Ang aking nadama? Noong tayo’y magkasama pa. Noong nasisilayan pa kita. Pag-ibig nga ba Na sa tuwing napapa-awit ka Puso ko’y napupuno ng kakaibang tuwa Tuwang sa’yo ko palang nadama? Pag-ibig nga ba Nang ako’y nabighani sa angkin mong ganda? Sa nangungusap mong mga mata At kutis mo na kay ganda. Pag-ibig nga ba Na sa paglipas ng ilang taon, Tila’y ika’y linta Na nakakapit sa aking ala-ala? Ako ay umaasa Na ika’y muling makita Nang tuluyan ko nang mabatid  Kung inibig nga ba kita.